Roulette: Isang Gabay sa Nangungunang Laro

Talaan ng Nilalaman

Ang roulette ay isa sa mga iconic na laro sa casino ito man ay land-based o online. Ang laro ay kaakit-akit para sa mga manlalaro dahil sa nahahatid nitong kapana-panabik na karanasan ng paglalaro. Sa artikulong ito ng XGBET aalamin natin ang detalye sa larong ito at alamin natin kung ito ay nababagay para sa iyo. Alamin natin ang kasaysayan, mga diskarte sa laro at iba’t ibang uri ng nito. Handa ka na bang tuklasin ang gulong na makakapag bigay saya para sa iyo?

Roulette at Ang Kasaysayan Nito

Ang roulette ay isa sa matatagal nang laro sa casino at ito ay nag simula sa France noong ika-17 siglo. Ang laro ay naimbento ni Blaise Pascal, isang sikat na French mathematician at physicist. Si Pascal ay sinusubukan lumikha ng isang makina na gumagalaw panghabang-buhay, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagawa niya ang klasikong larong roulette. Hindi nagtagal ang laro ay naging sikat sa Paris noong ika-18 siglo at dinala sa US noong ika-19 na siglo. Ang bersyon sa US ay may kaunting pagkakaiba sa orihinal na laro dahil ito ay nagtataglay ng 0 at 00 sa gulong na nilalaro pa din hanggang sa ngayon.

Ang laro ay hindi pa rin napag-iiwanan sa modernong panahon ngayon, dahil ito ay ginawan ng mga online na bersyon ng maraming mga gaming provider dahil sa nahahatid nitong kasiyahan sa maraming mga manlalaro. Gayunpaman, ang mga online na bersyon ay hindi nahahatid ang sayang dulot ng laro kung ihahambing sa mga pisikal na bersyon nito. Kaya naman gumawa sila ng live na bersyon ng laro kung saan may isang live dealer at pisikal na nilalaro ang laro sa pamamagitan ng live streaming. Sadyang malayo na ang narating ng laro mula sa pinagmulan nito.

Mga Pangunahing Kaalaman sa Roulette

Ang roulette ay mukhang komplikado sa unang tingin dahil sa maraming pagpipiliang taya sa mesa nito, ngunit ito ay simple at medyo madaling laruin. Ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay maglagay ng taya sa mesa roulette, kailangan mo lang hulaan kung saang numero, pangkat ng mga numero, kulay (Red o Black), o even/odd na numero mapupunta ang bola.

Kapag natapos at nailagay na ang lahat ng taya, papaikutin ng dealer o croupier ang gulong sa isang direksyon at ilalagay ang maliit na bola na umiikot sa kabilang direksyon. Ito ay mahuhulog sa isa sa mga pocket ng roulette wheel. Kung ang pocket kung saan napunta ang bola ay tumutugma sa iyong taya, mananalo ka. Ang halaga na iyong mapanalunan ay depende sa uri ng taya na iyong ginawa.

Ang laro ay may iba’t ibang uri ng taya na mapagpipilian na may iba’t ibang antas ng panganib at potensyal na mga gantimpala. Bilang halimbawa ang pagtaya sa isang numero na tinatawag na straight up bet ay maaaring magbayad ng malaki ngunit ito ay mas mapanganib. Kung gusto mo naman na maging ligtas at mas mataas na pagkakataon manalo maaari kang tumaya sa Red/Black, Odd/Even na numero na nagbibigay ng halos 50/50 pagkakataong manalo ngunit sapat na halaga lamang ang magiging panalo.

May ilang mga diskarte ang ginagamit ng ilang mga manlalaro sa paglalaro ng roulette. Ang ilan sa mga ito ay ang Martigale System kung saan ang iyong taya ay dodoblehin sa tuwing ikaw ay matatalo at babalik sa pangunahing taya sa tuwing ikaw ay mananalo. Paroli System kung saan ito ay kabaliktaran ng naunang system dahil ang manlalaro ay nagtataas ng taya sa tuwing siya ay mananalo para subukan ang potensyal na malaking kita. Munting paalala nag roulette ay isang laro ng suwerte o pagkakataon at walang diskarte ang mag gagarantiya ng iyong panalo gamit ang mga ito.

Mga Variation ng Roulette

May tatlong pangunahing variation ang larong roulette, ito ay ang European, French at American. Ang European at French na bersyon ay halos maypagkakatulad na may 37 pocket at isang 0, ang nagiging kaibahan lang ay ang French na bersyon ay may mga espesyal na panuntunan tulad ng “La Partage” at “En Prison”. Samantala ang American bersyon ay medyo naiiba dahil ito ay may 38 pocket dahil ito ay dinagdagan ng 00 sa roulette wheel na nagiging dahilan ng mas mataas na house edge. Marami pang-ibang uri ng roulette, ilan sa mga ito ay ang Mini Roulette, Brazilian, Multi-Wheel Roulette, Lightning Roulette at marami pang iba

Mga Dahilan Para Maglaro ng Roulette

Ang roulette ay isa talagang masayang laro para sa nakakarami at sasabihin ng XGBET ang ilang mga dahilan.

  • Ang larong ito ay laro ng pagkakataon, kaya hindi mo kailangan magpakahirap mag isip ng diskarte at aasa ka lang sa suwerte.
  • Ang laro ay kapana-panabik dahil hindi mo alam kung saan mapupunta ang bola na naghahatid din ng kilig sa mga manlalaro nito.
  • Ang laro ay may simpleng panuntunan na ginagawang madali para sa iba’t ibang uri ng manlalaro, ikaw man ay beterano o baguhan.
  • Ang larong ito ay masayang laruin sa land-based casino dahil sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro. Gayunpaman, ang mga online live roulette ay nakakapaghatid ng halos kaparehong karanasan.
  • Maraming uri ng tayang pagpipilian na maaring tumugma sa iyong istilo na paglalaro at sa panganib na kaya mong harapin.
  • Ang iconic na tunog ng roulette at pag click ng bola ay nagdaragdag sa kasiyahan.

Ang larong roulette ay laro ng swerte at paminsan-minsan ang mga diskarte ay nagpapataas ng pagkakataon manalo. Ang larong ito ay para sa lahat, ikaw man ay baguhan o batikang manlalaro, lahat ay may pagkakataon manalo. Hindi mo kailangan maglalaan ng oras para gumawa ng diskarte o mag-aral ng mga ito ang kailangan mo lang ay maging positibo at magsaya sa paglalaro.

Mga Sikat na Istratehiya sa Roulette

Katulad ng sinabi namin ang roulette ay laro ng pagkakataon. Ngunit maaari kang gumamit ng ilang mga diskarte sa pagtaya na makakatulong sa iyo sa pamamahala ng iyong mga taya. Muli ang aming paalala ang mga diskarte na ito ay hindi ginagarantiya ang panalo o malaking kita. Pinapataas lamang nila ang iyong pagkakataon manalo ng malaki.

Martingale System

Sa Martingale System kailangan mo magtakda ng halaga ng iyong pangunahing taya. Sa tuwing ikaw ay makakaranas ng pagkatalo kailangan mong mag doble ng iyong taya at kung ikaw ay mananalo bumalik muli sa pangunang halaga ng iyong taya. Sa paraang ito umaaasa ka na mababalik mo ang iyong mga naunang natalong taya sa isang panalo lamang. Gayunpaman, ang diskarteng ito ay nangangailangan ng malaking bankroll at maaaring maging mahirap nang habulin ang mga talo kung ikaw ay makakaranas ng sunod-sunod na pagkatalo.

Paroli System

Ang Paroli System ay may pagkakatulad sa martingale ngunit ito ay pabaliktad kung saan sa tuwing ikaw ay makakaranas ng pagkapanalo ay tataasan mo ang iyong taya at babalik sa simula sa tuwing ikaw ay matatalo. Sa paraang ito hindi ka gaano manganganib ngunit hindi garantisado ang pangmatagalang kita.

Fibonacci System

Sa Fibonacci system ang manlalaro ay gagamit ng mathematical sequence para magpasya kung magkano ang taya. Ang mga diskarte na ito ay hindi lamang ginagawang mas kawili-wili ang laro, ngunit maaari ring makaimpluwensya sa iyong napanalunan.

Konklusyon

Ang roulette ay isang iconic na laro ng casino na talaga namang masaya para sa mga manlalaro ng gusto ang pagrerelax at masayang pakikisalamuha sa iba. Ang laro ay para sa lahat baguhan man o may karanasan lahat ay may pagkakataong manalo. Gamit ang ilang mga diskarte maaari mong mapataas ang iyong pagkakataon manalo ng malaking halaga. Kaya naman kung gusto mong subukan ang paglalaro nito mag register na sa XGBET.

Sumali sa XGBET at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa XGBET Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

FAQ

Ang pagkakaroon ng maraming taya sa iba’t ibang numero ay nagpapataas ng iyong pagkakataong magkaroon ng isang panalong numero. Gayunpaman, ang paggawa ng masyadong maraming solong-numero na taya ay maaaring mangahulugan ng pagkawala ng higit pa kaysa sa makukuha mula sa isang panalong numero.

Ang pinakamataas na posibleng panalo sa solong taya sa roulette ay nagmumula sa isang numerong taya na may odds sa 35:1. Mahalaga, para sa bawat matagumpay na ₱1 na taya ang mga panalo ay magiging ₱35.