Online Casino: 3 Palatandaan at Sintomas ng Adiksyon

Talaan ng Nilalaman

Pagdating sa online casino gambling ang adiksyon ay hindi na bago sa karamihan, ito ang karaniwang nagiging problema ng ilang mga manlalaro na hindi namamalayan na sila pala ay nakakaranas na ng ganitong problema o ang ilan naman ay alam na sila ay nakakaranas na ng problema ngunit ayaw ipaalam sa mga tao sa paligid nila. Ang pag-alam ng mga palatandaan ng problema ng adiksyon at pag-iwas dito ay mahalaga, sabi nga nila “prevention is better than cure” kaya naman sa artikulong ito ng XGBET aalamin natin ang mga palatandaan at sintomas na maaaring kahantungan ng adiksyon.

Ano Nga Ba Ang Adiksyon sa Pagsusugal?

Ang adiksyon ay isang gawi na hindi mo makontrol ang iyong sarili na gawin ang ilang mga bagay. Pagdating sa pagsusugal, ang isang manlalaro na hindi mapigilan o makontrol ang kanilang sarili sa pagsusugal ay humahantong sa problema sa adiksyon. Maaaring ang manlalaro na nakakaranas nito ay patuloy na nagsusugal kahit na may negatibong epekto ito sa mga tao sa paligid niya. Ang ilan sa mga problemang kinahaharap ng isang manlalaro na nakakaranas ng adiksyon ay kapag gumagastos na ng mas maraming pera at oras sa pagsusugal at hinahabol ang mga pagkatalo. Dahil dito hindi namamalayan ang pagkasira ng buhay dahil sa pagsusugal.

Pagbabago sa Pag-uugali

Ang isang manlalaro na nakakaranas ng problema sa pagsusugal o adiksyon ay matutukoy sa ibat-ibang paraan. Isa sa kilalang bagay ay ang pagbabago sa ugali at mood disorder, madalas na pagiging stress, depresyon, mga pang-aabuso at agresibong pag-uugali. Mahalagang matukoy ang mga problemang ito bago ka pa patuloy na lumubog sa pagiging adik. Kapag nalulong ka na ng tuluyan, napakahalagang kilalanin ang mga isyung ito at subukang malampasan ang mga ito sa tulong ng mga tao sa paligid mo.

Mga Palatandaan at Sintomas ng Adiksyon sa Online Casino

Kapag nais mong malaman kung paano makakaiwas sa problema at adiksyon sa pagsusugal, mahalagang malaman ang mga palatandaan at sintomas. Ang adiksyon sa pagsusugal ay tinatawag na isang nakatagong sakit. Ito ay hindi isang tipikal na adiksyon dahil walang pisikal na palatandaan ang isang manlalaro na nakakaranas nito kaya naman mas mahirap tukuyin ang tunay na problema. Karamihan sa nakakaranas nito ay napakahusay mag sinungaling at magtago.Mayroong ilang mga palatandaan at sintomas na tumutukoy sa problema sa pagsusugal o adiksyon. Ikaw o isang tao sa paligid mo ay maaaring magkaroon ng problema sa pagsusugal kapag:

Ang Kanilang Pangangailangan sa Pagsusugal ay Walang Kontrol

Ang mga taong ito ay hirap lumayo sa paglalaro pakatapos nilang magsimulang maglaro, lagi nilang tinatangkang bawiin ang mga perang natalo nila sa paglalaro, hindi sila makapag logout sa casino ng may laman ang kanilang account. Ang mga taong ito ay maaaring nakakaranas ng hindi makontrol na pangangailangan sa pagsusugal na maaaring humantong sa problema sa adiksyon sa pagsusugal.

Solusyon

Mahalaga ang pagtatakda ng limitasyon sa oras at pananatili dito pagdating sa paglalaro sa online casino dahil magagawa nitong makaiwas ang isang manlalaro sa labis na paggastos at paglalaro. Ang pagtatakda ng limitasyon sa oras ay isang senyales ng isang responsableng manlalaro.

Gustong-gusto na Sumugal Kahit Walang Magagamit na Pondo

May ilang mga manlalaro na gustong-gusto na magsugal kahit naubos na ang kanilang pera na nakalaan para sa paglalaro, kaya naman hindi nila maiwasan na gamitin ang mga pera na nakalaan dapat para sa kanilang mga anak, bill, mortgage, mga pangangailangan sa pang araw-araw at ang pinaka masamang posibleng mangyari ay ang pangungutang ng pera para gamitin sa pagsusugal.

Solusyon

Katulad ng pagtatakda ng oras, importante din ang pagtatakda ng badyet na gagastusin sa paglalaro. Higit sa lahat ang perang iyong gagastusin ay kailangan ang pera na kaya mo lamang matalo o extrang badyet. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng badyet at pananatili dito ay makakaiwas ka sa sobrang paggastos ng perang hindi nakalaan para sa pagsusugal.  

Lihim na Pagsusugal

Pag-iniisip ang salitang online casino o pagsusugal iniisip ng iba na ito ay masamang gawain at hindi lahat ay naiintindihan ito. Kaya naman marami sa mga manlalaro ng online casino ay hindi sinasabi o pinapaalam ang paglalaro dito. Madalas ang mga manlalaro ay sinasabi lamang ang laki ng panalo na nakukuha mula sa paglalaro ngunit hindi ang halaga ng perang kanilang ginagastos. Ang palihim na paglalaro ng madalas at hindi pagsasabi ng laki ng gastos ay maaari din humantong sa hindi inaasahang problema sa pagsusugal.

Solusyon

Mahalagang may nakakaalam ng iyong paglalaro maging pamilya man ito o mga kaibigan, ang mga taong ito ang makakaalam ng iyong gawi pagdating sa pagsusugal sa online casino at sila din ang unang makakaalam kung ikaw ay nagkakaproblema na pagdating sa iyong pagsusugal.

Humingi ng Payo sa Pamilya o Kaibigan na Nakakaalam ng Iyong Gawi sa Pagsusugal

Ang mga taong nakapaligid sa iyo at nakakaalam ng iyong gawi sa pagsusugal ay maaaring pagkuhaan ng payo dahil sila ang makakatukoy kung ikaw ay nakakaranas na ng problema sa pagsusugal. Mahalagang makinig sa kanila dahil sila ang makakatulong sa iyo. Hindi pa huli ang pakikinig sa mga tao sa paligid mo at hindi ito tanda ng kahinaan upang tanggapin ang tulong mula sa mga kaibigan at pamilya.

Sumali sa XGBET at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa XGBET. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming Online Casino website at mag register!

Karagdagang Artikulo ng Online Casino