Martingale Strategy: Pag-unawa sa Betting System

Talaan ng Nilalaman

Isa ang Martingale strategy na sikat at ginagamit ng maraming mga manlalaro maging online man o land-based casino. Ang diskarteng ito ay naging sikat sa mundo ng pagsusugal dahil sa pagiging simple at madaling maunawaan. Kailangan lang doblehin ng manlalaro ang paunang taya kung siya ay makakaranas ng pagkatalo at bumalik sa paunang taya kung manalo muli. Ang ideya sa diskarteng ito ay maibalik ang lahat ng natalong taya mula sa isang panalo. Sa artikulong ito ng XGBET bibigyan natin ng pag-unawa kung paano ginagamit ang diskarteng ito at ano-anong mga laro maaaring gamitin ang diskarteng ito.

Paano Pinapagana Ang Martingale Strategy?

Ang martingale strategy ay gumagana sa mga laro ng casino na may halos 1 sa 2 pagkakataon manalo. Ilan sa mga laro na ito ay ang baccarat at blackjack, samantala maaari mo rin ilapat ang martingale strategy sa ilan sa mga taya ng laro ng roulette at craps. Katulad ng sinabi na namin sa itaas kailangan mo lang doblehin ang iyong naunang taya kung ikaw ay natalo sa round ng iyong paglalaro.

 Bago simulan ang diskarteng ito, kailangan ng manlalaro na tukuyin kung magkano ang kanyang magiging bankroll sa kanyang paglalaro, pagkatapos nito tukuyin kung ilang porsyento nito ang gagamitin sa bawat round ng paglalaro. Bilang halimbawa ang isang manlalaro na may ₱1000 bankroll ay nais maglaro gamit ang 2% ng kanyang bankroll ay tataya ng ₱20 sa bawat round ng kanyang paglalaro.

Kung ang manlalaro ay manalo sa unang round ng laro pananatilihin niya ang kanyang taya sa ₱20, pagkatapos nito kung siya ay matalo sa sumunod na round dodoblehin niya ito sa ₱40. Ang pagdodoble ng taya ay kailangan gawin hanggang maabot ang panalo sa paglalaro at babalik sa ₱20 sa magiging taya. Para mas Madali pa itong maunawaan tignan ang talahanayan sa ibaba:

Taya

Resulta

Kita

₱20

Talo

-₱20

₱40

Talo

-₱60

₱80

Panalo

₱20

₱20

Panalo

₱40

₱20

Talo

₱20

Ang Mga Kalamangan at Kahinaan ng sistemang Martingale

Ang pangunahing benepisyo ng Martingale strategy ay palaging binabalanse nito ang mga nakaraang pagkalugi. Gayunpaman, ito ay hindi isang tiyak na diskarte at may ilang mga limitasyon. Narito ang mga pangunahing benepisyo at kahinaan ng pagtaya gamit ang Martingale strategy.

Kalamangan

  • Ang Martingale strategy ay nagpapahintulot sa iyo na mabawi ang iyong mga nakaraang pagkatalo sa pamamagitan ng pagkapanalo ng isang taya.
  • Ito ay nilalayong tulungan ka sa pagkolekta ng malaking bilang ng maliliit na panalo dahil hindi mo kailanman kailangan palakihin ang iyong taya pagkatapos ng isang panalo at palaging babalik sa isang unit ng taya pagkatapos manalo.
  • Ito ay isang agresibong diskarte sa pagtaya na maaaring mag-apela sa ilang mga manlalaro.
  • Kung ihahambing sa iba pang mga diskarte tulad ng Fibonacci at ang 1-3-2-6 system, mas madali itong maunawaan.
  • Ang pamamaraan ay mahusay na gumagana sa maliliit na panalo, na nagbibigay ng sapat na kapana-panabik na karanasan habang may tamang pag-kontrol sa iyong bankroll.

Kahinaan

  • Ang pamamaraan ng Martingale strategy ay mabisa lamang kung mayroon kang malaking bankroll, dahil ito ay nakakabigo kung wala kang sapat na pera upang doblehin ang iyong taya pagkatapos ng isang pagkatalo.
  • Maaaring mahirap sa sikolohikal na patuloy na pataasin ang laki ng iyong taya kapag humahabol ng mga pagkatalo dahil madali kang tumaya kapag ikaw ay nasa sunod-sunod na pagkatalo.
  • Gumagana lang ang Martingale strategy kung makakita ka ng table na may liberal na limitasyon sa pagtaya, dahil kailangan mong magsimula sa maliit at magkaroon ng opsyon na maglagay ng mas malalaking taya sa ibang pagkakataon.
  • Hindi ginagantimpalaan ng diskarteng ito ang mga sunod-sunod na panalo, na maaaring hindi kaakit-akit sa ilang manlalaro.
  • Ito ay katugma lamang sa mga partikular na laro at uri ng taya.

Paggamit ng Martingale Strategy sa Iba’t Ibang Mga Laro ng Casino

Baccarat

Isa ang baccarat sa mga laro kung saan madalas ginagamit ang martingale strategy dahil ito ay nagbibigay sa manlalaro ng halos 50-50 pagkakataon manalo sa laro. Ang manlalaro ay kailangan lamang mamili sa 3 uri ng taya , ang banker, player at tie. Ang tie bet ay itinuturing na pinakamasamang taya sa laro dahil sa taas ng house edge nito ay bihira lamang lumabas sa laro. Kaya naman ang banker at player bet ang pangunahing mga taya na kailangan lang pagpilian ng mga manlalaro nito.

Blackjack

Marahil ang larong blackjack ay ilan sa mga laro na maaaring gamitin ang martingale strategy, gayunpaman may ilang mga taya sa laro na maaaring magpa-kumplikado sa iyong pagtaya kung ginagamit ang diskarteng ito. Ilan sa mga taya na ito ang pag-split at double down kung saan hihilingin sa iyo na doblehin ang iyong taya sa kasagsagan ng laro para sa pagkakataon na mapataas din ang iyong panalo.

Roulette

Pagdating sa paglalaro ng roulette may ilang taya sa laro na maaaring magbigay sa iyo ng halos 50:50 pagkakataon manalo sa laro. Kaya naman ang paggamit ng martingale strategy sa larong ito ay maaaring irekomendang gamitin. Ilan sa mga taya sa laro na maaari mong gamitin ay ang Odd/Even, Red/Black, at High/Low bet na magbibigay sa iyo ng halos pantay na pagkakataon manalo sa laro.

Craps

Gamit lamang ang Pass Line at Don’t Pass bet, ang laro ng craps ay ang laro na mas mahusay gamitin ang martingale strategy kung ikukumpara sa ibang mga laro. Kumpara sa roulette, blackjack at baccarat, ang craps ay masmababa ang house edge na mas magbibigay sa manlalaro ng kalamangan sa laro gamit ang martingale strategy.

Panghuling Kaisipan

Ang martingale strategy ay maaaring makatulong sa iyong mabilis na mabawi ang iyong mga talo at manalo sa laro. Gayunpaman, mahalagang tandaan na walang mga diskarte sa laro ang makakatulong sa iyong manalo ng matagalan. Mahalaga ang pagtatakda ng sapat na halaga pagdating sa pagsusugal at importante ang pananatili dito. Isugal lamang ang halaga na kaya mong mawala at hindi ang pera na ginagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Ang pagsusugal ay hindi masama, ngunit ang pagsusugal ng sobra ay nakakasama. Maging responsableng manlalaro.

Sumali sa XGBET at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa XGBET. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming Online Casino website at mag register!

Karagdagang Artikulo ng Online Casino